Pangongolekta ng impormasyon
- Hindi namin kinokolekta ang iyong personal na impormasyon kapag bumibisita ka sa aming website.
- Ang kinokolekta namin ay impormasyong hindi nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan, na awtomatikong ginagawang available ng iyong browser sa tuwing bumibisita ka sa isang website. Kasama sa impormasyong ito ang Internet Address ng iyong computer o network, ang petsa, oras, at page na binisita mo sa aming site, ang iyong browser at operating system, at ang nag-refer na page (ang huling webpage na binisita mo bago ka nag-click ng link papunta sa aming site).
- Ginagamit namin ang pinagsama-samang anonymous na impormasyong ito mula sa lahat ng aming bisita para masukat ang performance ng server at mapahusay ang content ng aming site.
- Sinusubaybayan namin ang mga keyword na inilalagay sa aming search engine para masukat ang interes sa mga partikular na paksa, pero hindi namin sinusubaybayan ang mga mismong terminong ginagamit ng isang partikular na user.
Impormasyong ibibigay mo
- Ang impormasyong iboboluntaryo mo sa pamamagitan ng pagsagot sa aming opsyonal na online na form para sa feedback ay gagamitin para mapaganda ang aming website, at posibleng ibahagi sa mga empleyado at contractor ng Lungsod at County ng San Francisco para sa layuning iyon.
- Hindi namin ibibigay, ibabahagi, ibebenta, ipaparenta, o ililipat ang anumang personal na impormasyon sa isang third party.
- Posibleng gawing available sa aming mga website ang impormasyong ibibigay mo sa pamamagitan ng mga form para sa paghahayag.
- Dumedepende ang Komisyon sa Etika sa mga third-party na website na magpresenta ng ilang content o magbigay ng ilang serbisyo. Posibleng mailapat ang mga patakaran sa privacy ng mga website na iyon sa ilang pagkakataon kapag ginamit mo ang website ng Komisyon sa Etika. Kasama sa mga nasabing site at patakaran ang:
- Patakaran sa privacy ng CityBase (para sa pangongolekta ng bayad)
- Patakaran sa privacy ng DocuSign (para sa mga pampublikong form)
- Patakaran sa privacy ng Emma (para sa subscription sa email ng Mga Interesadong Tao)
- Patakaran sa privacy ng Google (para sa YouTube)
- Patakaran sa privacy ng Granicus (para sa SFGovTV)
- Patakaran sa privacy ng Jetpack (para sa pag-back up sa website at mga form para sa feedback)
- Patakaran sa privacy ng Microsoft (para sa backend na pagpoproseso ng data)
- Patakaran sa privacy ng NetFile, Inc. (para sa electronic na paghahain)
- NextRequest (para sa mga kahilingan sa mga pampublikong talaan)
- Patakaran sa privacy ng Pantheon (para sa pag-host sa website ng Komisyon)
- Patakaran sa privacy ng Tableau (para sa mga interactive na dashboard)
- Patakaran sa privacy ng Tyler Technologies (para sa mga OpenData dataset ng SF na pina-publish sa Socrata)
- Patakaran sa privacy ng Twitter (para sa mga post sa social media)
- Patakaran sa privacy ng WebEx (para sa mga online na Meeting ng Komisyon, pagsasanay, at meeting)
- Patakaran sa privacy ng WordPress.com (para sa pamamahala ng content ng Komisyon)
Analytics ng site
- Gumagamit kami ng tool na tinatawag na “Google Analytics” para maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga bisita sa aming mga website, para mapahusay pa ang site.
- Puwede mong basahin ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng Google Analytics at ang Patakaran sa Privacy ng Google para sa Google Analytics.
- Puwede mong piliing hindi ipakolekta ang iyong data sa Google Analytics sa pamamagitan ng pag-download sa kanilang add-on sa browser para sa pag-opt out.
- Gumagamit kami ng tool na tinatawag na “JetPack” para maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga bisita sa aming mga website, para mapahusay pa ang site.
- Puwede mong basahin ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng JetPack.
Mga Link
- Ang Lungsod at County ng San Francisco ay may kakayahan sa pag-link at paghahanap para makapag-navigate sa pampublikong impormasyon mula sa mga ahensyang hindi bahagi ng website ng Lungsod at County ng San Francisco, at hindi nakokontrol ng Lungsod.
Seguridad ng site
- Sinusubaybayan namin ang trapiko sa network para matukoy ang mga hindi awtorisadong pagsubok na mag-upload o magpalit ng impormasyon, o magdulot ng pinsala sa site. Hayagang pinapahintulutan ng sinumang gagamit sa website na ito ang nasabing pagsubaybay.
- Nagsasagawa kami ng mga naaangkop na hakbang para mapigilan ang hindi awtorisadong pag-access, pagbabago, o pagsira ng data.
Mga pagbabago sa patakaran
Pakitandaang puwedeng pana-panahong magbago ang Patakaran sa Privacy na ito. Inaasahan naming maliit lang ang mga puwedeng maging pagbabago, pero ipo-post namin kaagad ang mga pagbabagong ito.