Sa pangkalahatan, kakailanganin sa ganap na imbestigasyon na mangolekta ng karagdagang ebidensya ng dokumentasyon gaya ng mga panayam sa saksi, pati ng mga panayam sa mga nagrereklamo at sa taong pinaghihinalaang may ginawang paglabag (respondent). Kung kinakailangan, magagawa ng Ehekutibong Tagapagpaganap na mag-subpoena ng mga saksi para mapilitan silang tumestigo o magbigay ng mga nauugnay na dokumento.
Magagawa ng Komisyon, sa ilang sitwasyon, na ipagpaliban ang mga imbestigasyon ng Abugado ng Distrito o Abugado ng Lungsod. Puwede rin itong magsagawa ng mga joint na imbestigasyon sa mga tanggapan na iyon, at nang kasama ang Komisyon ng Mga Patas na Kasanayan sa Pulitika (Fair Political Practices Commission, FPPC) at iba pang ahensya ng pamahalaan. Ibinabalangkas ng Patakaran sa Pagsususpinde ng Imbestigasyon at Mga Parallel na Pagdinig ng Komisyon ang mga sitwasyon at katwiran ng patakaran para sa pagpapaliban ng imbestigasyon sa ilang partikular na sitwasyon.
Pagkatapos ng ganap na imbestigasyon, gagawin ng Komisyon ang mga pinal na pasya sa reklamo. Mga rekomendasyon lang ang ibinibigay ng staff sa Komisyon sa Etika.
Kung mapag-aalaman sa ganap na imbestigasyon na may nangyaring paglabag, puwedeng i-settle ng Ehekutibong Tagapagpaganap ang usapin at puwede niyang hilingin sa Komisyon na mag-apruba ng nakasulat na settlement na nag-aatas sa (mga) respondent na magbayad ng pang-administratibong multa o magsagawa ng iba pang remedial na pagkilos.
Kung walang settlement, puwedeng magsimula ang Tagapagpaganap ng Pagpapatupad ng mga pagdinig sa probable cause sa Ehekutibong Tagapagpaganap. Kung sasang-ayon ang Ehekutibong Tagapagpaganap na may probable cause para maniwalang may naging paglabag, puwedeng hatulan ng Tagapagpaganap ng Pagpapatupad ang usapin sa Komisyon sa isang pampublikong pagdinig sa mga merit.
Posible ding pagpasyahan ng Komisyon na isara ang isang kaso para sa kakulangan ng sapat na ebidensya o iba pang dahilan. Puwedeng magpadala ang Komisyon ng mga liham ng babala, kung naaangkop, sa mga sitwasyong ito depende sa mga detalye ng kaso.