Impormasyon ng Meeting
Nagmi-meeting ang Komisyon sa ikalawang Biyernes ng bawat buwan nang 10:00 a.m. Gaganapin ang mga regular na meeting ng Komisyon ayon sa iskedyul na ito maliban na lang kung may kinikilalang holiday sa Lungsod o kung hindi available ang isang meeting room na ipinapalabas sa TV, kung kailan gagawin ang meeting sa pinakamalapit na praktikal na araw. Tingnan ang agenda para sa oras at lokasyon ng mga espesyal na meeting.
- Mga Agenda at Dokumento ng Meeting ng Komisyon
- Minutes ng Meeting ng Komisyon
- Mga Buod ng Meeting ng Komisyon
- Mga Abiso sa Meeting ng Mga Interesadong Tao
- Mga Opisyal na Pagdinig para sa Hindi Naaangkop na Gawi
- Mga Ulat ng Ehekutibong Tagapagpaganap 2009-Kasalukuyan
Iskedyul ng Meeting ng Komisyon sa Etika para sa Taon ng Kalendaryo 2024
Pinagtibay ang sumusunod na iskedyul ng meeting sa meeting ng Komisyon noong Disyembre 8, 2023.
Petsa ng Meeting sa 2024 | Oras ng Pagsisimula ng Meeting | Lokasyon ng Meeting** |
---|---|---|
Miyerkules, Enero 24 | 10:00 a.m. | City Hall Room 400 |
Biyernes, Pebrero 9 | 10:00 a.m. | City Hall Room 400 |
Biyernes, Marso 22 | 10:00 a.m. | City Hall Room 416 |
Biyernes, Abril 12 | 10:00 a.m. | City Hall Room 400 |
10:00 a.m. | City Hall Room 400 | |
Biyernes, Hunyo 14 | 10:00 a.m. | City Hall Room 400 |
10:00 a.m. | City Hall Room 400 | |
Biyernes, Agosto 9 | 10:00 a.m. | City Hall Room 400 |
Biyernes, Setyembre 27 | 11:00 a.m. | City Hall Room 416 |
Biyernes, Oktubre 11 | 10:00 a.m. | City Hall Room 400 |
Biyernes, Nobyembre 8 | 10:00 a.m. | City Hall Room 400 |
10:00 a.m. | City Hall Room 400 |
Pag-live Stream ng Video ng Mga Meeting ng Komisyon
Nila-live stream ang video ng mga meeting ng Komisyon sa Etika sa San Francisco Government Television (SFGovTV). Ang mga meeting ay ipinapalabas din sa lokal na San Francisco Cable Channel 78, at bino-broadcast ulit tuwing Sabado nang 8:00 AM sa Channel 26.
Archive ng Mga Video at Audio Recording
Sa pangkalahatan, ang mga video ng mga meeting ng Komisyon sa Etika ay available na sa araw pagkatapos ng isang ni-record na meeting at pino-post sa page ng SFGovTV para sa Komisyon sa Etika.
- Ang pamagat lang ng bawat item ang makikita sa mga agenda na nakalista sa tabi ng bawat video.
- Available din ang mga video sa DVD mula sa SFGovTV.
- Ang mga audio recording ng mga meeting ng Komisyon sa Etika mula Hunyo 2009 hanggang Disyembre 2011 ay available naman sa Archive ng Audio Recording.
- Para i-download ang closed captioning, tingnan ang page ng SFGovTV para sa Komisyon sa Etika.
Pampublikong Komento
Iniimbitahan ang mga miyembro ng publiko na magbigay ng pampublikong komento nang personal o sa pamamagitan ng pagsulat kaugnay ng mga usaping nasa hurisdiksyon ng Komisyon sa Etika.
Para personal na magbigay ng pampublikong komento, pumunta lang sa isang meeting ng Komisyon sa oras at lugar na nakasaad sa itaas. Alinsunod sa Mga Bylaw ng Komisyon, hihingi ang Chair ng Komisyon ng pangkalahatang pampublikong komento sa mga item na wala sa agenda pero nasa hurisdiksyon ng Komisyon sa simula at pagtatapos ng bawat meeting. Isa itong pagkakataon para magbigay ng pampublikong komento, nasa agenda man ng Komisyon para sa meeting na iyon ang isang nauugnay na usapin o wala. Bukod pa rito, para sa bawat item sa agenda na pagbobotohan o aaksyunan ng Komisyon, hihingin ng Chair ang komento ng publiko bago magbotohan o gumawa ng aksyon. Maliban na lang kung iba ang sasabihin ng Komisyon, mayroon kang tatlong minuto para ibigay ang iyong pampublikong komento.
Para magbigay ng nakasulat na pampublikong komento tungkol sa isang partikular na usaping nasa agenda ng meeting ng Komisyon, ipadala ang iyong mga komento sa ethics.commission@sfgov.org o sa pamamagitan ng koreo sa mga tanggapan ng Komisyon sa address sa ibaba. Ang lahat ng pampublikong komento na matatanggap tungkol sa mga item sa agenda bago ang meeting ng Komisyon ay gagawing available sa nasabing meeting. Para matiyak na masasabi sa meeting ang iyong mga komento, dapat ay nakasaad sa mga ito (1) na nagbibigay ka ng nakasulat na pampublikong komento para sa isang meeting sa Komisyon, at (2) ang petsa ng meeting na pinatutungkulan ng iyong komento.
Ang pampublikong komento na matatanggap sa mga tanggapan ng Komisyon bago mag-9:00 am sa Lunes bago ang isang pang-Biyernes na meeting na Komisyon ay isasama sa packet ng mga materyales ng agenda na ipapamahagi sa publiko para sa meeting na iyon. Kasama sa packet ng mga materyales ng Agenda ang mga memo, ulat, at iba pang materyales na inilathala bago ang bawat meeting ng Komisyon. Ang pampublikong komento na matatanggap pagkalipas ng cut-off deadline ay hindi lalabas sa packet ng Agenda para sa meeting na iyon. Gayunpaman, ibibigay ang mga pampublikong komento na iyon sa mga miyembro ng Komisyon, at magiging available ang mga ito sa publiko sa meeting ng Komisyon.
Para magsumite ng nakasulat na pampublikong komento, ipadala ang iyong komento sa ethics.commission@sfgov.org o ipadala o ihatid ito sa:
25 Van Ness Avenue
Suite 220
San Francisco, CA 94102
Bukas kami sa lahat ng pampublikong komento. Kung mayroon kang anumang tanong, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa Komisyon sa Etika sa (415) 252-3100.