Ang pagrereklamo ang pangunahing mekanismo para maidulog sa Komisyon sa Etika ang mga paglabag sa batas na nauugnay sa mga kampanya, lobbying, salungatan ng interes, o bukas na pamahalaan. Posible ring magpasimula ang Tagapagpaganap ng Pagpapatupad ng mga imbestigasyon.
Ang sinumang naghihinala na may paglabag sa mga batas na ito ay dapat maghanda at magsumite ng reklamo sa Dibisyon sa Pagpapatupad. Ganap na iimbestigahan ang isang usapin kapag may dahilan ang Tagapagpaganap ng Pagpapatupad para maniwalang nagkaroon ng paglabag. Gagawin ang mga imbestigasyon sa kumpidensyal na paraan (SF Charter seksyon C3.699-13(a)). Hindi partido sa usapin ng pagpapatupad ang isang nagrereklamo. Bagama’t may nauugnay na impormasyon o puwedeng ipatawag bilang saksi ang isang nagrereklamo, ang Komisyon sa Etika ay hindi tutugon sa mga paglabag sa batas sa ngalan ng nagrereklamo, at walang karapatan ang nagrereklamo na maabisuhan tungkol sa status ng nagrereklamo.
Sa pangkalahatan, puwedeng magpataw ang Komisyon ng mga multang hanggang $5,000 para sa bawat paglabag, pero puwedeng mas malaki pa ang maging multa sa ilang sitwasyon. Ang mga paglabag sa lahat ng naaangkop na batas ay napaparusahan din ng mga kautusang cease and desist sa ilang partikular na aktibidad, maghain ng ilang partikular na ulat, at magbayad nang hanggang tatlong beses ng halagang iniambag, ginasta, o hindi iniulat nang labag sa batas.
Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa proseso ng pagpapatupad, puwede kang kumonsulta sa Mga Regulasyon sa Pagpapatupad ng Komisyon sa Etika, na bukod pa sa mga materyales sa website na ito.