Kung hindi mapagkakasunduan o maisasara ang isang usapin sa pagpapatupad pagkatapos ng isang imbestigasyon, puwedeng magsimula ang Dibisyon ng Pagpapatupad ng proseso ng pang-administratibong pagdinig sa harap ng kumpletong Komisyon. Nilalayon ng prosesong ito, na nakatakda sa Charter ng Lungsod, na alamin kung lumabag ba ang isang respondent sa batas at, kung oo, ang mga ilalapat na parusa.
Gabay sa Pagdinig para sa Pagpapatupad
Ginawa ng Dibisyon ng Pagpapatupad, sa pagkonsulta sa tanggapan ng Abugado ng Lungsod, ang Gabay sa Pagdinig para sa Pagpapatupad ng Komisyon. Nagbibigay ang resource na ito ng impormasyon tungkol sa proseso ng pang-administratibong pagdinig ng Komisyon sa Etika para sa mga usapin sa pagpapatupad. Layunin ng gabay na ipaalam sa Komisyon, mga respondent, staff, at publiko ang tungkol sa mga panuntunang sumasaklaw sa prosesong ito, nang sa gayon ay maisagawa ang nasabing proseso nang efficient, patas, at transparent. Bukod sa gabay, gumawa ang Dibisyon ng Pagpapatupad ng tatlong pangunahing checklist na nagbubuod sa mga hakbang na dapat kumpletuhin sa bawat stage ng proseso ng pagdinig. Nasa ibaba ang gabay at tatlong checklist:
- Gabay sa Pagdinig para sa Pagpapatupad
- Gabay sa Pagdinig para sa Pagpapatupad – Unang Stage (Magtalaga ng Komisyoner para sa Mga Paunang Usapin)
- Gabay sa Pagdinig para sa Pagpapatupad – Pangalawang Stage (Mga Paunang Usapin)
- Gabay sa Pagdinig para sa Pagpapatupad – Pangatlong Stage (Pagdinig sa Mga Merit)
Maikling Pangkalahatang-ideya ng Proseso ng Pagdinig para sa Pagpapatupad
Sisimulan ng Tagapagpaganap ng Pagpapatupad ang proseso ng pang-administratibong pagdinig sa pamamagitan ng pag-serve ng Probable Cause sa bawat respondent at sa Ehekutibong Tagapagpaganap. Puwedeng tumugon ang bawat respondent sa pamamagitan ng pagsulat, at puwedeng maghain ang Dibisyon ng Pagpapatupad ng karagdagang ebidensya o pangangatwiran para ma-rebut ang nasabing sagot. Puwedeng magsagawa ang Ehekutibong Tagapagpaganap ng kumperensya sa probable cause sa sarili niyang inisyatiba o sa kahilingan ng anumang panig. May karapatan ang respondent na maging present at katawanin ng tagapayo sa kumperensya sa probable cause, at puwede siyang mag-introduce ng ebidensya o magpatawag ng mga saksi. Hindi bubuksan sa publiko ang kumperensya sa probable cause, maliban na lang kung hihilingin ng respondent na isapubliko ito.
Pagkatapos ay mag-iisyu ang Ehekutibong Tagapagpaganap ng inirerekomendang pasya sa probable cause batay sa mga inihain ng mga panig at pangangatwirang inilahad sa kumperensya sa probable cause, kung nagsagawa nito. Irerekomenda ng Ehekutibong Tagapagpaganap na tukuyin kung may probable cause “kung sapat ang ebidensya para maniwala ang isang taong may ordinary caution at prudence na maniwala o maghinala na may naging paglabag o nagpasimula ng paglabag ang isang respondent.” Regulasyon sa Pagpapatupad Sek. 7(D)(1). Kung sasang-ayunan ng Komisyon sa Etika ang napag-alaman ng Ehekutibong Tagapagpaganap na may probable cause, ilalathala ng Komisyon ang Napag-alamang Probable Cause sa website nito bilang pampublikong dokumento.
Kasunod ng paglalabas ng Napag-alamang Probable Cause, magsasagawa ang Komisyon ng pagdinig sa mga merit para malaman kung may nilabag na batas ang respondent. May karapatan ang respondent na maging present at katawanin ng tagapayo sa pagdinig, na bukas sa publiko.
Bago isagawa ang pagdinig, posibleng kailanganin ng Komisyon na lutasin ang ilang partikular na paunang usapin, gaya ng mga discovery motion, isyu sa ebidensya, at ang pagkadiskwalipika ng mga indibidwal na komisyoner sa pagdinig. Puwedeng magtalaga ang Komisyon ng indibidwal, kasama ang isang miyembro ng Komisyon, para malutas ang mga paunang usapin.
Sa pagdinig, ang Dibisyon ng Pagpapatupad at ang respondent ay puwedeng mag-present ng mga saksi, dokumentong ebidensya, at pasalitang argumento sa Komisyon. Pagkatapos ng pagdinig, magbobotohan ang Komisyon para pagpasyahan kung may nangyaring paglabag. Para makapagpataw ng anumang parusa sa isang respondent, dapat ay tatlong Komisyoner ang bumoto nang pabor sa pagkakaroon ng paglabag. Ang lahat ng kautusan ng Komisyon na ilalabas pagkatapos ng isang pagdinig ay ipo-post sa website ng Komisyon.
Puwedeng pagkasunduan ang isang usapin sa pagpapatupad sa pamamagitan ng naka-stipulate na settlement anumang oras, pati sa proseso ng pagdinig.
Nakasaad sa Mga Regulasyon sa Pagpapatupad ng Komisyon sa Etika ang mga detalye kaugnay ng mga pagdinig sa probable cause at pagdinig sa mga merit.