Skip to content

Paghahanda ng Reklamo

繁體中文 English Filipino Español

Kung sa palagay mo ay may (mga) indibidwal o entity na lumabag sa isa o higit pang batas na nauugnay sa pagpopondo ng mga kampanya ng Lungsod, lobbying, mga salungatan ng interes, o bukas na pamahalaan, pag-isipang maghain ng reklamo sa Komisyon sa Etika. Dapat ay maglaan ka rin ng oras para mangalap ng ebidensya at impormasyong nauugnay sa iyong reklamo, pati ng impormasyong makakatulong para masagot ang mga sumusunod na tanong:

  • Sino, sa palagay mo, ang lumalabag sa batas?
  • Anong (mga) batas ang kanya/kanilang nilalabag?
  • Anong mga detalye ang sumusuporta sa iyong (mga) hinala?
  • Kailan nangyari ang (mga) pinaghihinalaang paglabag?
  • Sino ang puwedeng makapagbigay ng higit pang impormasyon tungkol sa usapin?
  • Anong mga dokumento ang puwedeng magpatunay sa iyong (mga) hinala?

Pakitandaang ang Komisyon sa Etika ay may hurisdiksyon sa marami, pero hindi sa lahat ng, kasanayan sa pulitika. Kaugnay nito, kasama sa mga paglabag na tinutugunan ng Komisyon sa Etika ang:

  • Mga salungatan ng interes sa pananalapi
  • Hindi naaangkop na funneling ng mga kontribusyon sa kampanya
  • Ipinagbabawal na aktibidad sa pulitika ng mga opisyal at empleyado ng Lungsod
  • Mga ipinagbabawal na regalo mula sa mga contractor ng Lungsod at iba pang “pinaghihigpitang source”
  • Mass mailing para sa kampanya na gastusin ng publiko
  • Hindi paghahain o pag-uulat sa lahat ng contact sa mga ulat ng lobbying
  • Mga paghihigpit pagkatapos ng trabaho para sa mga opisyal at empleyado ng Lungsod (“mga panuntunan sa revolving door”)
  • Hindi sapat, hindi napapanahon, o hindi paghahain ng mga kinakailangang pahayag at ulat sa kampanya
  • Hindi naaangkop na pag-uulat ng kampanya
  • Hindi naaangkop na pagtanggap ng mga pondo sa kampanya, kasama ang pagtanggap ng mga pondo mula sa mga anonymous na source at kontribusyon na higit sa mga limitasyon
  • Hindi naaangkop na paggasta sa mga pondo ng kampanya, kasama ang paggamit sa mga pondo ng kampanya para sa personal na paggamit
  • Ipinagbabawal na paghihiganti

Kung hindi mo sigurado kung ang Komisyon sa Etika ang tamang ahensya para sa pagtugon sa mga pinaghihinalaang paglabag, makipag-ugnayan sa Komisyon para sa tulong.

Kapag nakolekta mo na ang naaangkop na impormasyon, puwede ka nang maghain ng reklamo.

Pagsusumite ng Reklamo

We are continuously increasing the number of translated pages on this site. Materials on this website that are not currently translated may be translated upon request. Contact us to provide feedback on this page.

Estamos aumentando continuamente el número de páginas traducidas en este sitio. Los materiales de este sitio web que no están traducidos actualmente pueden traducirse previa solicitud. Contáctenos para proporcionar comentarios sobre esta página o solicitar traducciones.

我們正在不斷增加本網站翻譯頁面的數量。本網站上目前未翻譯的資料可根據要求進行翻譯。聯絡我們以在此頁面上提供回饋或要求翻譯。

Patuloy naming dinaragdagan ang bilang ng mga isinalin na pahina sa site na ito. Ang mga materyal sa website na ito na hindi kasalukuyang isinasalin ay maaaring isalin kapag hiniling. Makipag-ugnayan sa amin para magbigay ng feedback sa page na ito o humiling ng mga pagsasalin.