Programa sa Naka-streamline na Pang-administratibong Paglutas
Ang Programa sa Naka-streamline na Pang-administratibong Paglutas (Streamlined Administrative Resolution Program, SARP) ay nagbibigay ng pananagutan para sa mga paglabag sa mga batas ng Lungsod habang binabawasan ang oras at mga resource na kinakailangan para sa mas pormal na paglutas ng kaso.
Sunshine Ordinance
Ang Komisyon sa Etika ay namamagitan sa mga usaping nauugnay sa mga pinaghihinalaang paglabag sa mga batas sa mga pampublikong talaan at pagpupulong ng Lungsod, na nakasaad sa Sunshine Ordinance ng San Francisco. Puwede ring magsumite ang mga tao ng mga reklamo sa Komisyon sa Etika tungkol sa mga pinaghihinalaang sinasadyang paglabag ng isang inihalal na opisyal o pinuno ng departamento sa Sunshine Ordinance.
Paghihiganti sa Whistleblower
Ang Ordinansa sa Pagprotekta ng Whistleblower ay nagbabawal sa isang opisyal o empleyado ng Lungsod na magsagawa ng hindi kanais-nais na pagkilos laban sa isang indibidwal na nakibahagi sa isang pinoprotektahang aktibidad, kung saan ang pinoprotektahang aktibidad ng nasabing indibidwal ay isang salik na lubos na nakaimpluwensya sa hindi kanais-nais na pagkilos.
Mga Pasya sa Probable Cause
Sa oras na may ma-ratify ang Komisyon na Rekomendasyon sa Probable Cause, ipa-publish ng Ehekutibong Tagapagpaganap ang pormal na Pasya sa Probable Cause sa pamamagitan ng paghahatid nito sa mga panig at pag-post nito sa website ng Komisyon.