Skip to content

Mga Pag-audit ng Kampanya

繁體中文 English Filipino Español

campaign-audits-page-image

Impormasyon ng Programa sa Pag-audit

Pinagtibay ng mga botante ng San Francisco, pinapahintulutan ng Seksyon C3.699-11(4) ng Charter ng San Francisco ang Komisyon sa Etika na i-audit ang kampanya ng mga kandidato at komite sa Lungsod. Sa mga pag-audit ng komisyon, tutukuyin ang antas ng pagsunod ng mga komite sa mga naaangkop na batas ng estado at lokal, at gagawa ng mga nakasulat na ulat ng pag-audit para sa komite at publiko kung saan idedetalye ang anumang mahalagang mapag-aalaman sa pag-audit.

Sa ilalim ng Ordinansa para sa Reform sa Pananalapi ng Kampanya, bilang bahagi ng limitadong pampublikong programa sa pagpopondo na naaprubahan ng mga botante ng Lungsod, mandatoryong io-audit ng Komisyon sa Etika ang lahat ng komite ng kandidato na nakatanggap ng pampublikong pagpopondo. Bukod sa mga mandatoryong pag-audit, sa pagpapasya ng Ehekutibong Tagapagpaganap, puwedeng magpasimula ang Komisyon ng mga karagdagang naka-target o random na napiling pag-audit ng anumang komite, nakatanggap man ang komite ng anumang pampublikong pondo o hindi.

Mga Ulat sa Pag-audit

Kapag nakumpleto na ang lahat ng pag-audit, magre-release ang mga staff ng Komisyon sa auditee ng nakasulat na ulat sa pag-audit at isasapubliko ito. Magbibigay ang mga ulat na ito ng pangkalahatang-ideya ng aktibidad ng auditee sa panahong sinasaklaw ng pag-audit, at tutukuyin sa mga ito ang anumang pagkakataon kung saan hindi sila nakasunod sa mga naaangkop na batas ng estado at lokal sa pagpopondo ng kampanya. Ang lahat ng ilalabas na ulat sa pag-audit ng Komisyon ay ipapasa sa Dibisyon sa Pagpapatupad ng Komisyon, o ng iba pang naaangkop na ahensya, para sa pagsusuri para malaman kung makatuwiran ang higit pang pagkilos kaugnay ng mga napag-alaman ukol sa hindi pagsunod.

We are continuously increasing the number of translated pages on this site. Materials on this website that are not currently translated may be translated upon request. Contact us to provide feedback on this page.

Estamos aumentando continuamente el número de páginas traducidas en este sitio. Los materiales de este sitio web que no están traducidos actualmente pueden traducirse previa solicitud. Contáctenos para proporcionar comentarios sobre esta página o solicitar traducciones.

我們正在不斷增加本網站翻譯頁面的數量。本網站上目前未翻譯的資料可根據要求進行翻譯。聯絡我們以在此頁面上提供回饋或要求翻譯。

Patuloy naming dinaragdagan ang bilang ng mga isinalin na pahina sa site na ito. Ang mga materyal sa website na ito na hindi kasalukuyang isinasalin ay maaaring isalin kapag hiniling. Makipag-ugnayan sa amin para magbigay ng feedback sa page na ito o humiling ng mga pagsasalin.