Ang Ehekutibong Tagapagpaganap at respondent ay puwedeng makipagnegosasyon sa isang settlement para malutas ang pagkilos sa pagpapatupad anumang oras. Sa pangkalahatan, isinasaad ang settlement sa isang Stipulation, Pasya, at Kautusan, kung saan kailangan magbayad ng respondent ng pang-administratibong multa o kailangan niyang magsagawa ng iba pang remedial na pagkilos. Para magkabisa, dapat maaprubahan ng buong Komisyon sa Etika ang nasabing settlement.
Kung maaaprubahan ng Komisyon, lulutasin ng settlement ang lahat ng legal at totoong isyu sa reklamo laban sa respondent. Bilang bahagi ng settlement, dapat sumang-ayon ang respondent na isuko ang kanyang karapatan sa anumang pang-administratibong pagdinig sa Komisyon.
Kung maaaprubahan ang isang settlement, wala nang gagawin ang Komisyon na iba pang pagkilos sa reklamo, maliban sa pagtiyak na masusunod ang mga tuntunin ng settlement. Kung hindi maaaprubahan ang settlement, posibleng ituloy ng Dibisyon sa Pagpapatupad ang pagkilos sa pagpapatupad (hal. muling makipagnegosasyon sa ibang settlement, maghanda para sa mga pagdinig sa probable cause, atbp.).
Sa anumang mase-settle na usapin, puwedeng muling buksan ng Komisyon ang reklamo kung hindi makakatugon ang respondent sa mga tuntunin ng Stipulation, Pasya, at Kautusan.