Mula noong Hulyo 2013, ang Komisyon sa Etika ay may mga nalutas nang paglabag sa ilang partikular na probisyon ng Ordinansa sa Reporma sa Pondo ng Kampanya sa pamamagitan ng pinabilis na proseso at ayon sa mga nakaiskedyul o “nakatakdang” multa. Ang dating “Patakaran sa Nakatakdang Multa” ng Komisyon ang sumaklaw sa prosesong iyon. Sa meeting nito noong Pebrero 12, 2021, ang Komisyon sa Etika ay may pinagtibay na na-expand na bersyon ng Patakaran sa Nakatakdang Multa para sa pagpapatupad bilang “Programa sa Naka-streamline na Pang-administratibong Paglutas” (ang Programa).
Idinisenyo ang Programa para magbigay ng pananagutan para sa mga paglabag sa mga batas ng Lungsod habang binabawasan ang oras at mga resource na kinakailangan para sa mas pormal na paglutas ng kaso. Ginagawa ito ng Programa sa pamamagitan ng paggawa ng pamantayang paraan sa paglusta ng iba’t ibang usapin sa pamamagitan ng naka-streamline na stipulated na settlement sa Komisyon sa Etika, at pagbuo ng framework ng mga pamantayang formula ng multa para sa mga paglabag sa apatnapu’t isang probisyon ng batas sa tatlong artikulo ng Kodigo sa Pag-uugali sa Kampanya at Pamahalaan ng San Francisco (San Francisco Campaign & Governmental Conduct Code, SF C&GCC). Tinutukoy rin ng Programa ang mga sitwasyon kung kailan naaangkop magbigay ng liham ng babala sa halip na magpataw ng pang-administratibong multa. Bilang pagsunod sa nakaraang Patakaran sa Nakatakdang Multa, ang isinama lang ng Mga Staff sa na-expand na bersyong ito ay ang mga uri ng paglabag na nangangailangan ng kaunti lang, kung mayroon, na dagdag na imbestigasyon o iba pang ebidensya para ipakitang nangyari ang paglabag. Dahil papangasiwaan ang mga usaping ito sa pamamagitan ng naka-streamline na pang-administratibong pamamaraan, ang Programa ay magbibigay-daan sa mga staff sa pag-iimbestiga at pagpapatupad ng Komisyon na magreserba ng mas malaking bahagi sa mga resource ng imbestigasyon para sa mga imbestigasyong may mas malawak na saklaw at mas matindi, kumplikado, at malawak.
Dahil ginagamit ng mga stipulationg nalulutas sa pamamagitan ng Programa ang mga pamantayang formula ng multa at posibleng magbigay ang mga ito ng mga buod na paglalarawan ng pinag-uusapang paglabag, ang mga usaping nalulutas sa ilalim ng Programa, sa pangkalahatan, ay magreresulta sa parusang hindi ganoon katindi, at sa paglalarawan ng paglabag at mga pangyayaring hindi ganoon kadetalyado, kumpara sa mga usaping nalulutas sa pamamagitan ng regular na pang-administratibong proseso ng pagpapatupad. Sa kabila ng mga ito, ang naka-streamline at regular na pang-administratibong proseso ay parehong nangangailangan ng pagkilos ng Komisyon sa isang meeting na ipinabatid sa publiko.
Pinagtibay ng unanimous na pagboto ng Komisyon, ang Nirebisang Nakatakdang Multa at ang Programa sa Naka-streamline na Pang-administratibong Paglutas ng Komisyon ay tatakbo bilang pilot na programa hanggang sa magresulta ang pagpapatupad ng Staff sa mga inirerekomendang pagbabago para sa pagpapatibay sa pamamagitan ng pampangasiwaang proseso sa susunod.
Para sa mga tanong tungkol sa pagtakbo ng Programa, makipag-ugnayan sa Komisyon sa Etika sa ethics.commission@sfgov.org.