Ang Komisyon sa Etika ay namamagitan sa mga usaping nauugnay sa mga pinaghihinalaang paglabag sa mga batas sa mga pampublikong talaan at pagpupulong ng Lungsod, na nakasaad sa Sunshine Ordinance ng San Francisco (Kabanata 67 ng Kodigo sa Pangangasiwa).).
Ang karamihan ng usapin sa Sunshine Ordinance ay nire-refer sa Komisyon ng Task Force ng Sunshine Ordinance.
Nagtakda ang Komisyon ng dalawang pamamaraan para sa pangangasiwa ng mga nasabing referral, na iba sa mga karaniwan nitong pamamaraan sa pagpapatupad. Nakasaad ang mga pamamaraang ito sa Ikasampung Seksyon ng Mga Regulasyon sa Pagpapatupad ng Komisyon.
Ang mga pagdinig sa Seksyon 10(B) ay para sa mga pinaghihinalaang paglabag ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na iba pa sa mga inihalal na opisyal o pinuno ng departamento, at mga hindi sinasadyang paglabag ng mga inihalal na opisyal o pinuno ng departamento. Kailangan ay patunayan ng isang respondent sa isang pagdinig sa Seksyon 10(B) na siya, sa pamamagitan ng ebidensya, ay hindi lumabag sa Sunshine Ordinance. Hindi naghahanda ang mga staff ng komisyon ng anumang pagsusuri sa mga nasabing usapin.
Ang mga pagdinig sa Seksyon 10(A) ay para sa mga paratang ng sadyang paglabag ng mga inihalal na opisyal o pinuno ng departamento. Sa pagdinig sa Seksyon 10(A), dapat patunayan ng nagrereklamo, sa pamamagitan ng ebidensya, na sadyang lumabag ang Respondent sa Sunshine Ordinance. Hindi tulad sa mga paglilitis sa Seksyon 10(B), magsasagawa ang mga staff ng Komisyon ng hiwalay na imbestigasyon, at gagawa ito ng rekomendasyon at ulat kaugnay ng paglutas. Walang responsibilidad ang Komisyon sa Etika na sundin ang rekomendasyon ng staff.
Puwede ring magsumite ang mga tao ng mga reklamo sa Komisyon sa Etika tungkol sa mga pinaghihinalaang sinasadyang paglabag ng isang inihalal na opisyal o pinuno ng departamento sa Sunshine Ordinance, na pinapangasiwaan alinsunod sa mga pamamaraan sa Seksyon 10(B). Gayunpaman, sa pangkalahatan, dapat munang abisuhan ng mga nagrereklamo ang Abugado ng Distrito at/o ang Attorney General tungkol sa hindi pagbibigay ng isang opisyal o empleyado ng Lungsod ng mga pampublikong talaan alinsunod sa Kautusan sa Pagpapasya ng Task Force ng Sunshine Ordinance. Kung hindi aaksyon ang Abugado ng Distrito at/o Attorney General, puwedeng direktang magreklamo sa Komisyon ang taong gumawa sa kahilingan para sa pampublikong talaan. Makipag-ugnayan sa mga staff ng Komisyon para sa higit pang detalye.
Sa pangkalahatan, ide-defer ng Komisyon sa Etika ang anumang usaping kasalukuyang nakabinbin sa Task Force ng Sunshine Ordinance o sa alinman sa mga komite nito. (Tingnan ang Seksyon 67.35(d) ng Kodigo sa Pangangasiwa))