Layunin ng Komisyon sa Etika na tiyaking matatag, naipapatupad, at naisasakatuparan ang mga batas sa etika ng San Francisco. Pinag-aaralan namin ang mga bagong trend sa pagpopondo ng kampanya, mga salungatan ng interes, lobbying, at iba pang aspetong nakakaapekto sa pananagutan at transparency ng pamahalaan ng Lungsod. Ginagamit namin ang natututunan namin para mapahusay ang mga batas sa Etika ng Lungsod at mapaganda ang mga programa ng aming departamento. Mahalaga ito para magarantiyang matatag at may pinagbatayan ang mga batas sa isang pabagu-bagong Lungsod.
Ang ginagawa sa patakaran ng Komisyon at nagpo-produce ng pananaliksik, mga rekomendasyon sa lehislatura, regulasyon, konsepto ng programa, at pampublikong komunikasyon na naglalayong pahusayin at papatagin ang hangarin ng Lungsod na magkaroon ng malinis na pamahalaan. Batay rito, regular na nag-aapruba ng mga bagong ordinansa at regulasyon ang Komisyong may limang miyembro. Ang Komisyon ay mayroon ding awtoridad sa ilalim ng Charter na isumite ang mga panukala sa balota nang direkta sa mga botante ng San Francisco.
Ang Dibisyon sa Patakaran ang namumuno sa mga proyekto sa patakaran ng Komisyon at ang responsale sa pananaliksik, pagsusuri, at pakikipag-ugnayan sa komunidad na bumubuo sa pangunahing ginagawa sa patakaran ng Komisyon.
Mga Proyekto sa Patakaran
Para masubaybayan ang mga buwanang talakayan sa patakaran ng Komisyon sa Etika, i-access ang agenda ng meeting. Ang mga tatalakayin at aaksyunan ng Komisyon na usapin sa lehislatura at pangangasiwa ay nakasaad sa agenda, kasama ng mga detalyadong ulat ng Staff na nagbibigay ng background, pagsusuri at rekomendasyon sa patakaran.
Kapag ang Komisyon sa Etika ay tumukoy ng usapin sa patakaran na plano nitong tugunan, maaaring magsimula ng partikular na proyekto sa patakaran. Ang mga proyekto sa patakaran ay nagbibigay-daan sa Komisyon na maisagawa ang mga agenda nito sa patakaran, masubaybayan ang progreso, at magbigay ng nakatuong atensyon sa mga pangunahing programa at patakaran. Available sa itaas ang impormasyon tungkol sa mga proyekto sa patakaran sa kasalukuyan at sa nakaraan.
Puwede kang makatanggap ng regular na update tungkol sa lahat ng isyung isinasaalang-alang ng Komisyon sa Etika sa pamamagitan ng pagbisita sa aming page ng Mga Interesadong Tao at pag-subscribe sa mga abiso at agenda sa meeting ng Komisyon. Sa pag-sign up para makatanggap ng abiso, aabisuhan ka kapag nagsagawa ang Dibisyon ng Patakaran ng meeting para sa mga interesadong tao para manghingi ng mga ideya at feedback sa mga proyekto sa patakaran na inilarawan sa itaas.
Makipag-ugnayan sa Policy and Legislative Affairs Manager na si Michael Canning sa Michael.A.Canning@sfgov.org para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pagsisikap ng Komisyon kaugnay ng patakaran.