Skip to content

Patakaran sa Pagsususpinde ng Imbestigasyon at Mga Parallel na Paglilitis

繁體中文 English Filipino Español

Pinagtibay ng Komisyon sa Etika ng San Francisco Enero 23, 2017

Kapag nakatanggap ang Komisyon sa Etika ng kahilingan na suspindihin ang pang-administratibo nitong imbestigasyon sa isang reklamong naghihinalang may mga paglabag sa mga batas ng San Francisco sa pagpopondo ng kampanya, lobbying, salungatan ng interes, o batas sa etika ng pamahalaan, mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan na may awtoridad sa pagpapatupad sa mga nasabing batas, ipoproseso ng Staff ang kahilingan sa sumusunod na paraan:

  1. Kapag hiniling ng Abugado ng Lungsod o ng Abugado ng Distrito, susupindihin ng Staff ang pang-administratibo nitong imbestigasyon sa loob ng 90 araw ng kalendaryo. Pagkalipas ng 90 araw ng kalendaryo, magpapatuloy ang Staff sa pang-administratibo nitong imbestigasyon maliban na lang kung iba ang mapagpapasyahan ng Ehekutibong Tagapagpaganap.
  1. Kapag hiniling ng Tagapagpaganap para sa Pagpapatupad ng Fair Political Practice Commission (FPPC), uunahin ng Staff na joint na mag-imbestiga kasama ang FPPC bilang co-prosecutor. Kung tatanggihan ang joint na imbestigasyon at co-prosecution, susupindihin ng Staff ang pang-administratibo nitong imbestigasyon sa loob ng 90 araw ng kalendaryo.

May karapatan ang Ehekutibong Tagapagpaganap na tanggihan ang anumang kahilingan para sa pagsusupinde ng pang-administratibong imbestigasyon kapag may makatuwirang dahilan.


Background ng Patakaran at Dahilan ng Pagkilos

Nagbibigay ang batas ng estado at lokal ng mga pang-administratibo, sibil, at pangkrimeng remedyo para matugunan ang mga paglabag sa batas ng Lungsod sa pagpopondo ng kampanya, lobbying, salungatan ng interes, at batas sa etika ng pamahalaan. Depende sa mga detalye, degree ng pagiging kriminal, at pagiging kumplikado ng reklamo, ang Komisyon sa Etika, Abugado ng Lungsod, Abugado ng Distrito, o mga tagapangasiwa ng batas ay posibleng magkaroon ng hurisdiksyon para imbestigahan at parusahan ang mga pinaghihinalaang paglabag sa iba’t ibang batas nang sabay-sabay.

Ang Komisyon sa Etika ay mga pang-administratibong kapangyarihan sa pagpapatupad. Mahigpit ang pang-administratibong pananagutan; nagkakaroon lang nito kapag may pang-administratibong paglabag. Para maipatupad ang isang batas sa pang-administratibong paraan, kailangang isaalang-alang ng Staff kung ano ang nalalaman ng lumabag sa batas o regulasyong kanyang nilabag. Magagawa ng isang lupon para sa pang-administratibong pagdinig, gaya ng Komisyon sa Etika, na kumilos kaagad para malutas ang mga pinaghihinalaang paglabag sa pang-administratibong batas batay sa preponderance ng pamantayan sa ebidensya. Iyon ay kung matutukoy ng Komisyon na malaki ang posibilidad na nagkaroon ng paglabag sa batas. Kaya naman ang mga ahensya ng etika na may pang-administratibong awtoridad sa pagpapatupad ay inihahalintulad sa “mga pulis trapiko” dahil sa bilis nilang magtasa ng mga multa at mag-isyu ng mga kautusan sa pagsunod, at umiwas sa higit pang mas mabigat na paglabag sa batas.

Mahigpit din ang pananagutang sibil, at hindi kailangang patunayan ng Tanggapan ng Abugadong Sibil na may intent para mapatunayan ang isang paglabag. Dapat pumunta ang Abugado ng Lungsod sa hukuman ng estado para maipatupad ang isang paglabag sa batas. Ang mga hukuman ng estado ay may mas malawak na hanay ng patas na hurisdiksyon kaysa sa mga pang-administratibong lupon para sa pagdinig, at may kakayahan ang mga ito na mag-angkop ng mga remedyo sa mga kumplikadong kaso.

Sa kabilang banda, nati-trigger ang pananagutang pangkrimen kapag may intent. Dapat ding pumunta sa hukuman ng estado ang Tanggapan ng Abugado ng Distrito, pero dapat sumunod ang mga abugado nito sa Mga Saligang-batas ng California at Estados Unidos sa paraan ng pangangalap ng mga ito ng ebidensya at pag-uusip ng mga ito sa kanilang mga kaso. Nagreresulta ang pananagutang pangkrimen sa mas mabibigat na parusa, na hanggang at kasama ang pagkakabilanggo, kaya dapat mapatunayan ng Abugado ng Distrito na may paglabag nang walang makatuwirang pag-aalinlangan.

Sa San Francisco, may ilang tanggapan ng pamahalaan na may awtoridad sa iba’t ibang aspeto ng mga batas ng California sa pagpopondo ng kampanya, lobbying, salungatan ng interes, at etika ng pamahalaan. Kaya naman maraming available na remedyo sa San Francisco para sa pagpaparusa at pag-iwas sa mga paglabag sa mga batas na iyon. Sa kasamaang-palad, nang may mga ipresentang paratang ng mga paglabag, ang Abugado ng Lungsod, Abugado ng Distrito, at Komisyon sa Etika ay nagsagawa ng magkakasunod—sa halip na magkakasabay—na imbestigasyon, na nagresulta sa hindi pagkakalutas ng mga kaso, hindi efficient at hindi napapanahong remedyo, kawalan ng kasiguraduhan sa pinapangasiwaang komunidad, at mas kaunting pananagutan mula sa publiko. Sa memorandum na ito, ibinabalangkas ang legal na framework at dati nang practice ng Komisyon sa Etika ng San Francisco kaugnay ng pagsususpinde ng mga pang-administratibong imbestigasyon para sa pagpapatupad, sinusuri ang mga katwiran sa patakaran para sa mga parallel na paglilitis, at nagbibigay ng rekomendasyon para sa isang bagong patakaran para magabayan ang pagsususpinde ng imbestigasyon at mga parallel na paglilitis sa hinaharap.

Legal na Framework at Dati nang Practice

Inaatasan ng Charter ng San Francisco ang Komisyon na “agarang . . . ipasa [any] ang [anumang] reklamo o impormasyong hawak nito kaugnay ng pinaghihinalaang paglabag [of any law within the Commission’s jurisdiction] sa Abugado ng Distrito at Abugado ng Lungsod.” Charter ng San Francisco § C3.699-13(a). Sa loob ng sampung araw ng trabaho pagkatapos matanggap ang reklamo o impormasyon, dapat ipaalam ng Abugado ng Distrito at ng Abugado ng Lungsod sa Komsiyon kung sila ay nagpasimula o naglalayong magsimula ng imbestigasyon sa reklamo sa pamamagitan ng pagsulat. Id.

Bilang praktikal na usapin, inaatasan ng seksyong ito ng Charter ang Staff na i-refer ang lahat ng reklamo sa Abugado ng Distrito at sa Abugado ng Lungsod kung may dahilan para maniwala ang Ehekutibong Tagapagpaganap na may nilabag na batas. Umaasa ang Abugado ng Distrito at ang Abugado ng Lungsod na sususpindihin ng Staff ang pang-administratibo nitong imbestigasyon sa loob ng sampung araw na palugit para sa pagtugon, pero walang anuman sa Charter o batas ng Lungsod na nag-aatas sa Staff na suspindihin ang kanilang imbestigasyon sa ngayon.

Kung magpapasya ang Abugado ng Lungsod o ang Abugado ng Distrito na magsagawa ng imbestigasyon sa isang reklamo sa etika, dati nang inatasan ng tanggapan ang Staff na suspindihin ang pang-administratibo nitong imbestigasyon habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon ng Abugado ng Lungsod o ng Abugado ng Distrito.[1] Sa pangkalahatan, sumunod ang Staff sa kanilang kahilingan, gayunpaman, wala kaming alam sa anumang patakaran o iba pang gabay na nagsasaad sa dahilan ng practice na iyon, o ng impormasyon na nagsasabi kung bakit tinanggihan ang nasabing kahilingan. Noong huling bahagi ng 2016, nalaman ng Staff na hindi nagsasagawa ang Abugado ng Lungsod o ang Abugado ng Distrito ng kani-kanilang imbestigasyon kapag nalalaman nilang iniimbestigahan ng Fair Political Practices Commission (FPPC) ng California ang reklamo.

Katwiran sa Patakaran para sa Mga Parallel na Paglilitis

Ang susi sa anumang pang-administratibong pagsisikap sa pagpapatupad ay ang gamitin ang mga resource ng pamahalaan sa efficient at epektibong paraan para maparusahan ang mga offender nang nasa oras, maibalik ang pampublikong monies kung naaangkop, at maiwasan ang maling gawi sa hinaharap. Kapag nakatanggap ang mga tagapangasiwa ng mga reklamong nangangailangan ng imbestigasyon sa isang kumplikadong katiwalian o paglabag sa pagpopondo ng kampanya, mayroon silang obligasyong gumamit ng maraming komprehensibong remedyo para malutas ang mga paglabag na iyon at maiwasan ang mga actor sa hinaharap. Gayunpaman, ilang buwan o taon sinuspinde ang ilan sa mga pinakalumang kaso ng Komisyon habang isinasagawa ng Abugado ng Lungsod o ng Abugado ng Distrito ang imbestigasyon nito sa mga parehong paratang. Sa petsa ng memorandum na ito, kasunod ng aming meeting noong Setyembre sa mga abugado ng parehong tanggapan, ibinalik sa Komisyon ang lahat ng kaso, maliban sa dalawa, para sa pang-administratibong imbestigasyon. Inaatasan na ngayon ang Staff ng Komisyon na magsagawa ng posibleng duplicative[2] na imbestigasyon para bumuo ng sarili nitong kaso ilang buwan—kung hindi ilang taon—pagkatapos matanggap ang unang reklamo. O kaya, posibleng labis na makatulong ang isang malinaw na patakaran at practice sa pag-commit sa mga parallel na paglilitis sa mga pagsisikap sa pagpapatupad ng Komisyon.

Para sa mga layunin ng dokumentong ito, tumutukoy ang “mga parallel na paglilitis” sa mga nag-o-overlap na pangkrimen at sibil o pang-administratibong aktibidad sa pagpapatupad na nauugnay sa pareho o kaugnay na panig at na patungkol sa pareho o kaugnay na gawi. uwedeng sabay o magkakasunod na gawin ang mga nag-o-overlap na aktibidad. Kasama sa mga aktibidad na ito ang mga pagkilos sa pagpapatupad para makakuha ng mga pangkrimeng sanction, sibil na parusa, injunctive relief, kautusan sa pagsunod, o forfeiture recovery, pati ang mga aktibidad bago mag-file na nakadirekta sa mga tagapagpatupad, kasama ang mga pagsisikap sa pag-iimbestiga.

Kaya naman kinakailangan sa mga parallel na paglilitis ng komunikasyon, kooperasyon, at koordinasyon sa pagitan ng mga pangkrimen at sibil o pang-administratibong tagausig. Bukod pa rito, ang sabay na pakikipagtulungan sa mga usapin sa imbestigasyon ay nangangailangan ng matinding dedikasyon at paggalang sa mga pagsaalang-alang sa etika at Due Process. Halimbawa, ipinagbabawal ng Kodigo Penal ng California seksyon 939.21(b) ang mga abugado ng pamahalaan na maghayag ng usapin sa isang grand jury. Bukod pa rito, hindi puwedeng gamitin ang mga pang-administratibong proseso at sibil na proseso para sa discovery bilang pretext para makakuha ng impormasyon sa pag-iimbestiga ng isang krimen kung saan mapipigilan ng isang warrant o ng iba pang pagsasaalang-alang sa Due Process ang mga tagapagpatupad ng batas na makuha ang nasabing impormasyon. At dapat tiyakin ng mga abugadong sibil na alam ng mga abugadong pangkrimen ang tungkol sa anumang protective order o iba pang paghihigpit sa paggamit ng impormasyon.

Sa mga parallel na paglilitis, walang garantiya ang pangkalahatang settlement o pati ang sabay na paglutas ng mga imbestigasyon. Kaya naman sa maraming katwiran sa patakaran, pabor na iantala ang pang-administratibong solusyon hanggang sa malutas ang mga kasong kriminal. Halimbawa, hindi puwedeng gamitin ang isang pag-uusig na pangkrimen bilang banta para makakuha ng sibil na settlement at vice versa. Kadalasan, nauuna ang mga paglilitis na pangkrimen sa mga pang-administratibong paglilitis dahil sa mga pagsasaalang-alang sa mabilis na paglilitis. Sa pangkalahatan, mga kriminal na sanction ang mas makabuluhang deterrent, mas mabigat ang parusa, at nagreresulta sa mga solusyon sa kasong kriminal na puwedeng gamitin nang pabor sa pamahalaan sa mga susunod na kasong sibil sa parehong isyu[3]. Pero hindi salungat ang mga pagsasaalang-alang na ito sa patakaran sa mga katwiran sa patakaran para sa mga parallel na paglilitis para sa pag-iimbestiga. Sa pagsasagawa ng mga parallel na imbestigasyon, matitiyak na walang maaantalang paglutas ng kaso dahil nakalap ang lahat ng ebidensya bago ito maluma, masira, o makalimutan.


[1] Sa pangkalahatan, inimbestigahan ng Abugado ng Lungsod ang mga katiwa-tiwalang paglabag sa mga panuntunan sa mga tauhan ng Lungsod, at inimbestigahan ng Abugado ng Distrito ang mga katiwa-tiwalang paglabag sa batas pangkrimen ng estado at lokal.

[2] Para makasigurado, sa ilang sitwasyon, ibinigay ng Abugado ng Distrito sa Staff ang ilan sa nakalap nitong ebidensya sa pag-iimbestiga nito ng krimen. Pero tumanggi ang Abugado ng Distrito na magbahagi ng impormasyong nauugnay sa mga kaso bago ito magbigay ng hatol, at isinaad nitong masyadong sensitibo ang ilang partikular na impormasyon para ihayag.

[3] May mga nalalapat na ilang pagbubukod sa pangkalahatang panuntunang ito. Halimbawa, kung nanganganib na ma-dissipate ang mga asset ng lumabag, imminent ang statute of limitations, o pumasok ang lumabag sa mga paglilitis para sa pagkalugi, puwedeng hilingin ng mga tagausig na pangkrimen at sibil na sabay, sa halip na magkasunod, na lutasin ang kanilang mga kaso.

We are continuously increasing the number of translated pages on this site. Materials on this website that are not currently translated may be translated upon request. Contact us to provide feedback on this page.

Estamos aumentando continuamente el número de páginas traducidas en este sitio. Los materiales de este sitio web que no están traducidos actualmente pueden traducirse previa solicitud. Contáctenos para proporcionar comentarios sobre esta página o solicitar traducciones.

我們正在不斷增加本網站翻譯頁面的數量。本網站上目前未翻譯的資料可根據要求進行翻譯。聯絡我們以在此頁面上提供回饋或要求翻譯。

Patuloy naming dinaragdagan ang bilang ng mga isinalin na pahina sa site na ito. Ang mga materyal sa website na ito na hindi kasalukuyang isinasalin ay maaaring isalin kapag hiniling. Makipag-ugnayan sa amin para magbigay ng feedback sa page na ito o humiling ng mga pagsasalin.