Translate this page to 中文(Chinese) Español Filipino English
Pampublikong serbisyo na kumukuha sa tiwala ng publiko.
Tungkol sa Komisyon sa Etika
Ang Komisyon sa Etika ng San Francisco ay ginawa mismo ng mga botante ng Lungsod sa pagsasabatas sa Proposisyon K noong Nobyembre 1993. Sa pamamagitan ng mga staff nito, responsibilidad ng Komisyon ang hiwalay at walang kinikilingang pangangasiwa at pagpapatupad ng mga batas na nauugnay sa pananalapi para sa kampanya, pampublikong pagpopondo ng mga kandidato, etika ng pamahalaan, mga salungatan ng mga interes, at pagpaparehistro at pag-uulat ng mga lobbyist, consultant para sa kampanya, consultant para sa permit, at pangunahing developer.
Layunin naming gawin at isulong ang pinakamatataas na pamantayan ng integridad sa pamahalaan. Nakakamit namin iyon sa pamamagitan ng paghahatid ng mga makabuluhang programang nagsusulong ng patas, transparent, at may pananagutang pagpapasya ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng lahat ng San Franciscan. Ang pampublikong serbisyo ay nangangailangan ng tiwala ng publiko, at hangarin naming tiyaking magkakaroon ang lahat ng San Franciscan ng kumpiyansa sa mga operasyon ng Lungsod at County, at na patas, makatarungan, at walang pribado o pansariling interes ang mga magiging pasya ng mga opisyal at empleyado ng mga ito.
Mga Programa at Dibisyon
Pakikipag-ugnayan at Pagsunod
Bilang bahagi ng tungkulin nitong isulong ang pananagutan ng pamahalaan, nagbibigay ang Komisyon sa Etika ng impormasyon at gabay sa mga opisyal at empleyado ng lungsod, kandidato para sa pampublikong katungkulan, publiko, at iba pa para matulungan silang maunawaan at magawa ang kanilang mga responsibilidad sa ilalim ng batas. Ang Dibisyon ng Pakikipag-ugnayan at Pagsunod ay naglalathala ng mga materyal sa pagsunod at nagbibigay ng hindi pormal na payo na naglalapat sa mga batas sa etika, pananalapi para sa kampanya, at pagla-lobby ng Lungsod sa mga sitwasyong kinakaharap sa practice.
Kumikilos din ang Komisyon bilang filing officer para sa iba’t ibang pahayag ng pagpapabatid sa publiko na inihahain ng mga nakalaang lokal na opisyal, kandidatong tumatakbo para sa lokal na katungkulan, at lobbyist na nakakaimpluwensya sa mga pasya ng pamahalaan sa lungsod at County ng San Francisco.
Pagpapatupad
Para matugunan ang mandato sa pagsubaybay ng Komisyon sa Etika bilang hiwalay na ahensya para sa pang-administratibong pagpapatupad , tungkulin ng Dibisyon ng Pagpapatupad na tiyaking patas, mabusisi, at napapanahon ang mga imbestigasyon at resulta ng kaso na nagsisilbing epektibong deterrent at nagsusulong ng pananagutan sa pamahalaan. Responsibilidad ng Dibisyon na tukuyin, imbestigahan, at remedyuhan ang mga gawing labag sa batas na saklaw ng hurisdiksyon ng Komisyon. Responsable ang apat na imbestigador ng Dibisyon para sa pag-iimbestiga ng mga pinaghihinalaang paglabag sa batas para matiyak na ganap at makatarungan ang paghusga sa mga nasabing alegasyon at na mananagot sa publiko para sa kanilang mga pagkilos ang mga mapag-aalamang lumalabag sa batas. Posibleng kasama rito ang pagpapataw ng multa ng Komisyon sa Etika na may limang miyembro sa ilalim ng batas.
Electronic na Paghahayag at Pagsusuri ng Data
Ang Dibisyon ng Electronic na Paghahayag at Pagsusuri ng Data (Electronic Disclosure and Data Analysis, EDDA) ay gumagawa ng mga naka-integrate na solusyon sa teknolohiya para masuportahan ang iba’t ibang programa ng Komisyon. Minementina ng Dibisyon ang ang mga platform ng electronic na paghahayag sa pananalapi para sa kumpanya, lobbyist, Form 700, at iba pang paghahain. Tinitiyak din ng Dibisyon na may ganap at napapanahong access ang publiko sa mga paghahayag, pati sa mga dashboard ng data ng pananalapi para sa kampanya at nakabukas na portal ng data ng Lungsod.
Patakaran
Ang Dibisyon ng Patakaran ang nangunguna sa pananaliksik sa pampublikong patakaran, pagsusuri, at panglehislaturang gawain ng Komisyon. Responsibilidad nitong suriin kung gaano kahusay na nakakamit ng mga kasalukuyang batas at programa ang mga layunin ng mga ito at gumawa ng mga bagong pampangasiwaan at panglehislaturang pamamaraan para matiyak na matatag, naiaangkop, at naipapatupad ang mga pulitikal na batas sa reporma ng Lungsod. Kasama sa mga nauugnay na tungkuling nakatalaga sa Dibisyon ang mga ugnayan sa media, pagpapakahulugan at pagpapayo kaugnay ng batas, at pag-outreach at pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder. Ang Dibisyon din ang nagbibigay sa mga programa sa opinyon at waiver ng Komisyon.
Mga Pag-audit
Para makatulong sa pagtugon sa tungkulin sa pagsubaybay ng Komisyon sa Etika, responsibilidad ng Dibisyon ng Pag-audit na i-audit ang mga kampanya alinsunod sa awtoridad ng Charter ng Komisyon at mandato sa ilalim ng batas ng Lungsod para matukoy kung materyal na nakasunod ang mga komite sa mga naaangkop na pag-aatas ng mga batas ng Estado at lokal. Isinasagawa rin ng Dibisyon ang proseso sa pagsusuri ng kwalipikasyon at claim ng Programa para sa Pagpopondo ng Pampublikong Kampanya para matukoy kung kwalipikado ang isang kandidato at ang mga pag-disburse ng pampublikong pondo. Bukod pa rito, ang Dibisyon ng Pag-audit ang responsable para sa pagsasagawa ng mga pag-audit na iniaatas sa ilalim ng batas ng Lungsod na nauugnay sa pagpaparehistro at pag-uulat ng pagla-lobby at para sa pagsasagawa ng mga pagsusuri sa pagsunod pagkatapos ng paghahain ng iba pang paghahayag, gaya ng paghahain para sa pampublikong interes sa ekonomiya ng mga opisyal ng Lungsod.
Hindi Pagkiling
Para matiyak na maipapatupad ng Komisyon sa Etika ang mga batas sa hurisdiksyon nito nang walang kinikilingan, may mga ginawang malalawak na paghihigpit ang mga botante sa mga pulitikal na aktibidad ng mga Komisyoner at staff sa Etika. Sa panahon ng kanilang tenure, ang mga miyembro at staff ng Komisyon ay hindi puwedeng makibahagi sa anumang kampanyang sumusuporta o hindi sumusuporta ng isang kandidato para sa inihahalal na katungkulan ng Lungsod, panukala sa balota ng Lungsod, o opisyal ng Lungsod na tumatakbo para sa anumang inihahalal na katungkulan. Bukod pa rito, pinagbabawalan ang mga Komisyoner at staff na magkaroon ng iba pang katungkulan sa lungsod o county at maging opisyal ng isang pulitikal na partido; at maging nakarehistrong lobbyist o consultant para sa kampanya, o na magtrabaho para sa isa o tumanggap ng mga regalo o kabayaran mula sa mga nasabing indibidwal.
Bukod pa rito, layunin ng Pahayag ng Mga Hindi Tugmang Aktibidad ng Komisyon na gabayan ang mga opisyal at empleyado tungkol sa mga aktibidad na hindi tugma sa mga pampublikong tungkulin, at ipinagbabawal ang mga ito.
Mga Komisyoner
Binubuo ang Komisyon ng limang miyembro, kung saan ang bawat isa ay itinalaga ng Mayor, Lupon ng Mga Supervisor, Assessor-Recorder, Abugado ng Lungsod, at Abugado ng Distrito.
Mga Meeting
Bisitahin ang page ng mga meeting ng Komisyon para sa impormasyon tungkol sa mga meeting sa nakaraan at hinaharap.
Plano sa Pagkakapantay-pantay ng Mga Lahi
Tingnan ang page ng Plano sa Pagkakapantay-pantay ng Mga Lahi ng Komisyon para sa impormasyon tungkol sa Plano sa Pagkilos para sa Pagkakapantay-pantay ng Mga Lahi ng departamento ng Komisyon.